Araw (panahon)

Ang pag-inog ng Daigdig

Ang isang araw ay ang panahon ng oras ng buong pag-ikot ng Daigdig sa Araw. Sa katamtaman, ito ay 24 oras (86,400 segundo). Habang dumadaan ang araw sa isang binigay na lokasyon, nakakaranas ito ng umaga, tanghali, hapon, dilim at gabi. Pinapaandar araw-araw ang siklo ito ng mga ritmong sirkadiyano sa maraming mga organismo, na napakahalaga sa maraming proseso ng buhay.

Naka-ayos ang isang koleksyon ng mga sunod-sunod na mga araw sa mga kalendaryo bilang mga petsa, halos palagi sa mga linggo, buwan at taon. Inaayos ng kalendaryong solar ang mga petsa batay sa taunang siklo ng Araw, na nagbibigay ng konsistenteng simulang petsa para sa mga pana-panahon taon-taon. Inaayos naman ng kalendaryong lunar ang mga petsa batay sa yugtong lunar ng Buwan.


Araw (panahon)

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne