Ang biryani ay isang kani't ulam mula sa mga Muslim ng Timog Asya. Gawa ito sa kanin, karne (manok, baka, kambing, tupa, hipon, o isda) at mga espesya. Upang paglaanan ang mga behetaryano, inihahanda ito minsan nang walang anumang karne, at sa halip pinapalitan ng mga gulay.[1] Minsan dinaragdagan ito ng mga itlog at/o patatas.[2]
Isa sa mga pinakasikat na ulam ang biryani sa Timog Asya, pati na rin sa mga diaspora mula sa rehiyon. May mga kahawig na pagkain din sa ibang bahagi ng mundo kagaya ng Irak, Myanmar, Taylandiya, at Malasya.[3] Ito ang pinakainoorder na pagkain onlayn at kapag nagpapadeliber sa Indiya, at pinanganlang pinakasikat na pagkain sa Indiya.[4][5]
↑R. Macrae; Richard Kenneth Robinson; Michèle J. Sadler, mga pat. (1993). Encyclopaedia of Food Science, Food Technology, and Nutrition [Ensiklopedya ng Agham Pangkain, Teknolohiya ng Pagkain, at Nutrisyon] (sa wikang Ingles). Bol. 5. Academic Press. p. 3486. ISBN978-0-12-226855-7.
↑Wallis, Bruce (12 April 2017). "Eat My Words: A taste of Iraqi Kurdistan" [Tikma't Umamin: Patikim ng Iraking Kurdistan]. Duluth News Tribune (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2021. Nakuha noong 28 Disyembre 2018.