Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Agosto 2009) |
Ang histolohiya (mula sa Griyego na ἱστός, lamuymoy, at -λογία, -logia) o palasihayanan[1] ay ang pag-aaral ng anatomiya ng mga selula at mga lamuymoy ng mga halaman at hayop sa pamamagitan ng mikroskopyo. Ito ay nagagawa sa pagsusuri ng isang maliit na kapiraso ng lamuynoy sa ilalim ng isang optical microscope o sa isang electron microscope. Ang kakayahan na maipakita o malaman ang pagkakaiba sa mga mikroskopikong mga estruktura ay madalas na pinagbubuti sa pamamagitan sa paggamit ng mga histolohikal na mantsa.
Ang Histopatolohiya ay isang mikroskopikong pag-aaral sa mga lamuymoy na may sakit, ay isang mahalagang kagamitan sa anatomikal patolohiya, sapagkat ang tamang pagsusuri ng kanser at iba pang mga sakit ay kadalasang nangangailangan ng eksaminasyong histopatolohikal ng mga samplo. Ang mga bihasang mga dokotr, kadalasan mga sertipikado ng Board bilang mga Patologo, ay ang mga katauhan na gumagawa ng histopalohikal na pagsusuri at nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga pagmamasid.
Ang mga bihasang mga sayantipiko a gumagawa ng mga preparasyon ng mga pangkatang histolohikal ay tawag na mga histotechnicians, histology technicians (HT), histology technologists (HTL), medical scientists, medical laboratory technicians, o biomedical scientists. Ang kanilang pag-aaral ay tinatawag na histoteknolohiya.