Mitolohiya

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.[1]

Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.

  1. "Myths, folktales, and legends". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mitolohiya

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne