Ang orasan o relo ay mga aparatong sumusukat, nagtatala, at nagsasabi ng oras sa pamamagitan ng paghahati nito sa mga oras, minuto, at segundo ng bawat araw. Kabilang sa mga pangunahing tagagawa ng mga orasan ang mga bansang Hapon, Switzerland, Alemanya, Estados Unidos, Inglatera, at Pransiya.[1]