Ang tatak ay isang pangalan, katawagan, disenyo, simbolo o anumang katangian na nakikilala ang isang produkto o serbisyo ng isang nagbebenta mula sa mga ibang pang nagbebenta.[1][2][3][4] Ginagamit ang tatak sa mga negosyo, pagmemerkado, at pagpapatalastas para sa pagkilala, at ang mahalaga, upang makalikha at maitatak ang halaga bilang ekwidad ng tatak para makilala ang bagay, upang makinabang ang mga mamimili ng tatak, ang mga may-ari at mga shareholder (o namumuhunan).[5] Ipinagkakaiba minsan ang mga pangalan ng tatak sa generic o heneriko o sa tatak ng tindahan.
Sa makabagong panahon, lumawak ang konsepto ng pagsasatatak at binilang na ang pagkalat ng mga tagapamahala ng pamamaraang pagsasamerkado at komunikasyon at mga kagamitan na tumutulong na ipagkaiba ang kompanya o produkto mula sa mga katunggali, na naglalayong makalikha ng tumatagal na impresyon sa kaisipan ng mga mamimili. Kabilang sa mga susing sangkap na bumubuo sa mga kagamitan ng tatak ang pagkakakilanlan ng tatak, personalidad, disenyo ng produkto, komunikasyon ng tatak (tulad ng mga logo at tatak-pangkalakal), kamalayan sa tatak, katapatan sa tatak, at iba't ibang istratehiya sa pagsasatatak (pamamahala ng tatak).[6] Maraming mga kompanya ang naniniwala na madalas na maliit na maipagkaiba ang ilang mga uri ng produskto sa ika-21 dantaon, kaya naman, kabilang ang pagsasatatak sa iilang natitirang anyo ng pagkakaiba-iba ng produkto.[7]